See you later, Honey, I love you. — Lester. Inamoy ko ang bulaklak na binigay niya sa akin. Kahapon pa niya ako pinapakilig sa mga rose at sweet notes niya sa akin. Si Lester talaga ang sweet. Bumangon ako para puntahan ang mga anak ko. Sigurado kasing lumabas si Lester para mag-jogging. Hindi niya ako sinama dahil ayaw niyang mapuyat ako tuwing weekends. Nag-toothbrush ako sana naghilamos bago puntahan ang silid ng mga anak namin. Ginamit ko ang duplicate key ng kuwarto nila para makapasok ako sa loob. Nakita ko silang nakabalot ng kumot sila. Lumapit ako sa kanila humiga ako sa kama saka niyakap ko sila. "Good morning, Babies." Naramdaman kong niyakap ako ng mga anak ko ngunit hindi sila bumagon o kahit idilat nila ang mga mata nila. "Good morning, Mommy, inaantok pa kami," ani