“Madam, kanina pa tunog nang tunog ang phone mo. Wala ka bang balak sagutin?” tanong sa akin ng parlorista na nag-aayos ng buhok ko. Pinapaayos ko kasi ang buhok ko dahil hindi pantay ang gupit ko nang gupitin ko siya. Gusto ko rin sanang pakulayan ng ang buhok ko kaya lang ayaw pumayag ng Mommy ko. Naniniwala kasi siya na kailangan naka-one year ka na mula ng manganak bago ka puwedeng magpa-rebond or pakulay ng buhok. Sa case ko, hindi naman ako nanganak pero may lumabas na bata sa sinapupunan ko at counted daw iyon sabi ni Mommy. “Huwag mong pansinin, asawa ko lang ang tumatawag.” Nakatingin pa ako sa salamin habang ginugupitan ang buhok ko. “Si Sir. Lester pala ang tumatawag sa iyo. Ang sweet talaga niya sa iyo kahit noon,” sabi ng baklang parlorista. Matagal na akong customer sa pa

