Hindi tumigil si Indigo sa pagkatok sa salamin ng aking sasakyan. Nang magsawa ito'y madilim ang ekspresiyon na nilapitan si Kismet at pinasakay sa kotse nito. Ilang sandali lamang ay marahan nang umaandar ang kotse ni Kismet. Naiwan si Indigo na nakatanaw sa sasakyan ko. Tinted ang salamin ng kotse kaya imposibleng makilala ako ni Indigo. Unless alam niyang sasakyan ko ito. Na sigurado akong alam niya nga dahil tumunog ang cellphone ko. Tumatawag siya habang nakatingin sa akin kahit na hindi naman niya ako nakikita. Hindi ko sinagot ang tawag. Natatakot ako. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay. Lalo lamang dinaluhong ng kaba ang dibdib ko nang muling kumatok si Indigo sa binata ng aking kotse. Wala na akong nagawa kundi buksan ang pinto ng kotse. Madilim pa rin ang ekspresiyon sa