Natapos ang sports festival nang maayos. Pero ang buong sistema ko'y hindi na yata nabalik sa dati. Narito pa rin ako sa school, naghihintay na matapos si Indigo sa pag-aayos ng mga upuang ginamit sa awarding. Ang totoo'y hindi naman dapat talaga siya ang gumagawa niyon. Kaya nga lang ay masyadong mabait ang kumag. Pinauwi niya na ang mga estudyante, kaya heto, nakatunganga pa rin ako sa kaniya. "It's already two in the morning! Kailan mo balak na umuwi?" Mataray kong tanong habang nilalabanan ang kaantukan. I'm so sleepy and tired, na kung wala lang sana akong kaartehan sa katawa'y hihiga na talaga ako sa bench kahit na alam kong sasakit ang aking likod. Saglit na tumigil si Indigo sa pagsasalansan ng mga upuan. "I offered you my office, sinabi kong saglit kang magpahinga at doon