Halos dalawang oras akong naglagi sa infirmary. Makailang beses ko nang nabilang ang mga bulaklak sa dingding ay saka lamang ako sinabihan ni Nurse Melissa na pwede na akong umuwi.
"Thank you..." mahina kong sabi bago isinuot ang sapatos.
Nagmamadaling nilisan ko ang school infirmary. Ayaw kong maabutan ako ni Indigo roon. Dahil alam kong tototohanin niya ang sabing ihahatid ako pauwi.
Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking iyon. Ayaw kong magkaroon ulit ng kahit na anong relasyon sa kaniya. Tama nang natapos kami sa relasyong hindi naging maganda para sa aming dalawa.
Napabuga ako ng hangin. Mukhang hindi magiging maganda ang mga araw ko. Hayaan na lang, dalawang buwan na lang ay magtatapos na ako.
"Elle!" malakas na tawag ang nagpalingon sa akin. Humahangos na lumapit sa akin si Cassidy.
"Bakit nandito ka pa? Hindi ba't hanggang alas-tres lang ang klase mo?" kunot ang noong tanong ko.
Napapakamot sa ulong tiningnan lang ako ni Cassidy. "Ikaw, kung hindi pa sinabi sa akin ni Sir Indigo na nasa clinic ka hindi ko pa malalaman. Ano bang nangyari sayo?"
"Ayos lang ako, natumba lang, oa lang talaga si Indigo." mahina kong sabi bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Mabuti naman, siya nga pala, mauuna na ako, alam mo namang marami pa akong inaasikaso sa bahay."
"Ang sabihin mo, makikipagharutan ka lang kay Sir Brick. Sige na, umalis ka na, baka magbago pa ang isip ko." pataray kong sabi. Mabilis naman akong hinalikan ni Cassidy sa pisngi bago ito umalis.
Saglit akong huminga ng malalim bago muling naglakad. Gusto ko sanang magpasundo kay Kuya Rei, pero baka pilitin naman ako nitong magdinner kasama ang Indigo na iyon.
No way.
Iyon ang kahuli-hulihang gagawin ko. Hangga't maaari'y iiwas ako. Magalit na silang lahat sa akin, hindi niyon maaalis ang galit ko para kay Indigo.
Isang taxi ang pinara ko. Kaagad akong nagpahatid sa mall. Maaga pa naman, gusto kong bumili ng panibagong libro.
Tahimik na nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Maya-maya'y unti-unting pumatak ang ulan. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit. At isang pagkakamaling ginawa ko iyon. Muli na naman akong nilunod ng mga alaalang naging bangungot ko sa loob ng mga taong puro galit at poot ang namamahay sa aking dibdib.
-
"Elle, baby..." mahinang bulong sa akin ni Indigo. Nasa likod bahay ako. Malalim ang gabi at unti-unting bumubuhos ang ulan.
Muli kong tinungga ang bote ng alak. Gusto kong makalimot. Napakasakit na iniwan na kami ni Lola. Ngayon, kami na lang ni Kuya ang magkasama sa bahay. Si Mommy at Daddy kasi ay nasa ibang bansa. Mas pinili ng mga itong doon makalimot.
"Hey, baby..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.
"Indigo, baka makita tayo ni Kuya." Pagpapaalala ko sa kaniya. Kaagad akong tumayo at naglakad papasok.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkahilo dahil sa espiritu ng alak. Nilalamig na rin ako dahil sa pagkakabasa ko sa ulan.
Tahimik na pumasok ako sa kuwarto. Wala ang mga katulong namin. Binigyan sila ni Mommy ng bakasyon. Si Kuya naman baka madaling araw na iyong umuwi. Inaabala ang sarili sa mga naiwang negosyo ni Daddy.
Mabuti pa sila may mga pinagkakaabalahan, samantalang ako, heto at nilulunod ang sarili sa alak para makalimot.
"Elle, that's enough, lasing ka na." sabi ni Indigo bago kinuha sa akin ang bote.
"Ano ba Indigo..."
"Babe, stop, sakit lang ng ulo ang makukuha mo, hindi ka naman makakalimot." malumanay ang boses na sabi niya sa akin.
Bigla akong napasalampak sa sahig ng kuwarto ko. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. "Kahit papaano gusto ko pa ring makalimot kahit ngayong gabi lang. Indigo, hindi ko matatanggap na hinintay lang ni Lola na magdiwang ako ng kaarawan! Bakit kailangan niyang mawala sa araw ng kinabukasan?! Bakit kailan niya akong iwan?"
Mahigpit akong niyakap ni Indigo. Sa ginawa niyang iyon ay nakaramdam ako ng init. Pakiramdam ko'y hindi ako nag-iisa. Kaya gumanti na rin ako ng yakap at napahagulgol sa kaniyang dibdib.
Nasa ganoong posisyon kami hanggang sa tumigil ako sa pag-iyak. Namimigat na ang mga talukap ko. Pero imbis na sa kama ako dalhin ni Indigo ay dinala niya ako sa banyo. Hindi na ako umangal nang itapat niya sa akin ang shower. Tulalang nakatitig lang ako sa kaniyang mukha habang tinatanggal niya ang nabasa kong damit.
"Magkakasakit ka kung hindi ka maliligo." Mahinang sabi ni Indigo bago inabot ang sabon. "Hihintayin kita sa labas."
Akmang aalis si Indigo nang mahigpit kong hawakan ang kaniyang kamay. Nakayukong iniwas ko ang tingin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta ayaw kong iwan niya akong mag-isa.
"Elle, babe, gustuhin ko mang ako ang magpaligo sa iyo, hindi pwede. Papatayin ako ni Rei kapag nalaman niya ito."
Hindi ako sumagot. Bigla ko na lang siyang niyakap kaya pareho na kami ngayong nabubuhusan ng tubig mula sa shower.
Alam kong malalagot kami kay Kuya kapag nalaman niya ito. Pero anong magagawa ko, hindi ko kayang labanan ang tawag ng kung ano!
Bago ang lahat ng ito sa akin. Para akong sinisilaban. Gusto kong pawiin ni Indigo ang nararamdaman kong iyon.
"Indigo, please..."
"Babe, we-." Mabilis kong hinila ang kaniyang kwelyo. Walang alinlangang pinaglapat ko ang mga labi naming dalawa. Pinulupot ko rin ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. "Elle, sweetie, we need to talk first, may kailangan akong sabihin sa iyo."
"We'll talk after...please Indigo, I can't hold it anymore."
Napansin ko ang pagtiim ng kaniyang mga bagang. Pinakatitigan niya akong mabuti. Bawat pagtitig niya'y parang tumatagos sa buong pagkatao ko. "Damn it Elle." mariing sabi ni Indigo bago hinuli ang mga labi ko.
Hindi ko napigilan ang mapaungol ng malakas nang maramdaman ang paglandas ng kaniyang mga kamay sa katawan ko. Biglang lumalim ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Habul-habol ko ang paghinga nang minsang iwan niya ang mga labi ko.
Iba-ibang pakiramdam ang dala ng mga haplos at halik ni Indigo. Tila may kung anong dala ang mga iyon na nag-uudyok sa aking pumunta sa pinakarurok ng kaligayahan.
Malakas na singhap ang pinakawalan ko nang bigla niya akong pangkuhin papunta sa kama. Wala kaming pakialam kung mabasa man ang kama dahil sa ilang mga damit naming hindi pa rin lubusang nahuhubad.
Ilang sandali lang ay muling sinakop ni Indigo ang mga labi ko. Kasunod niyon ang marahan na pagtanggal niya sa mga natitira naming damit.
Muli niya akong tinitigan. Marahil ay gusto niyang makasiguro kung nasa katinuan pa ba akong ipagkaloob ang sarili sa kaniya.
"Go on babe..." paanas kong sabi.
Maya-maya'y unti-unti ko nang naramdaman ang kaniyang pagpasok. Masakit, tila may kung anong pinupunit sa p********e ko.
"Damn!" mariing sabi ni Indigo bago hinalikan ang aking mga labi, kasunod ay ang mga mata kong unti-unti nang nanunubig.
Saglit na tumigil si Indigo sa pag-ulos. Hinintay niyang maging komportable ako. Itinuloy niya lang ang ginagawa nang makita niya ang tipid kong pagngiti.
"Oh shit..." mahina niyang sabi habang pabilis nang pabilis ang pag-indayog.
Ilang malalakas na pag-ulos ay sabay kaming nakarating sa tuktok ng kaligayahan.
-
"Ma'am, nandito na po tayo." Bigla akong napamulat nang marinig ang tinig ng taxi driver. Mabilis kong pinahid ang luhang umalpas sa mga mata ko. Pagkatapos ay nilingon ko ang labas. Hindi na umuulan.
"Salamat po." Magalang kong sabi pagkatapos maiabot ang bayad.
Kaagad akong bumaba at naglakad papasok sa mall. Papadilim na kaya inuna kong pinuntahan ang bookstore. Ilang mga bagong libro ang binili ko. Bumili na rin ako ng mga ballpen na may magagandang design para kay Cassidy. Tiyak na magugustuhan niya ang mga ito.
Nang matapos sa pamimili ay kaagad akong dumiretso sa isang fast food restaurant. Saglit lang akong kumain, pagkatapos ay sa supermarket naman ako tumungo.
Wala naman akong lista ng bibilhin, kung ano lang ang makita ko'y iyon na ang kinukuha ko. Isa rin pala itong paraan ko para hindi kaagad makauwi. Tiyak na maaabutan ko si Indigo sa bahay.
"Elle?" Bigla ang pagtaas ng kilay ko nang makita ang mukha ng taong tumawag sa akin. Tila binalot ng galit ang puso ko.
Malamig ko siyang tinitigan. "Hello." walang gana kong sabi.
"Kumusta ka na? Nag-aaral ka pa ba?" malaki ang ngiting tanong niya sa akin bago ako niyakap nang mahigpit.
Napapairap na iniwas ko ang tingin. "Ayos lang ako, malapit na rin akong magtapos sa pag-aaral." malamig kong sabi bago naglakad palayo. "Siyanga pala, huwag mo na ulit akong kakausapin, hindi tayo close, Kismet." dagdag ko bago tuluyang umalis.
Sa dinami-rami ng pwede kong makita bakit ang babae pang iyon? Bakit bumalik pa siya rito sa Pilipinas? Para ipamukha sa aking nakuha niya ang gusto niya at ako'y nagdurusa habang nilalamon ng galit.
Damn you Kismet.