"Ang bobo naman ng Brick na iyon!" Inis kong sabi. Kakauwi lang namin ni Indigo galing sa bahay ni Brick. Ang gagong iyon, napili pang panigan ang spoiled brat s***h psycho na si Amanda kaysa sa fiancee niya. Nakakainis, kung hindi lang talaga dahil sa kalagayan ko baka nasapak ko na si Brick. "Huminahon ka nga, baka mamaya manganak ka ng wala sa oras!" Inis na baling sa akin ni Indigo. Hindi ko napigilan ang mapairap. "Gagong ito, napaka-oa." "What did you say?" "Sabi ko po gago ka. Oa ka na naman! Nagsuka lang ako noong isang araw dahil sa kinain ko! Hindi ako buntis!" Sigaw ko. Nakakabwisit! Inis na inilapag ko ang bag sa sofa. Kaasar talaga ang Indigo na ito. Pagkauwi kasi namin galing Palawan ay biglang sumama ang sikmura ko. Dahil siguro sa pagkaing kinain ko sa isang rest