Sa sobrang inis ay kaagad akong nagbihis at lumabas ng bahay. Wala naman talaga akong ka-date pero mukhang magkakaroon bigla dahil sa pesteng Indigo na iyon! "Sinong ka-date mo?" "Huwag mong pinaghihintay ang bisita mo sa loob, Indigo. Baka mainip iyon, lumabas dito't magwala." Malamig kong sagot bago naglakad palapit sa kotse ko. Gabi na, wala na ang driver ko kaya ako na lang siguro ang magmamaneho para sa sarili. "You're not going anywhere, Elle." "Huh, sino ka naman para sundin ko?" Taas ang kilay na sabi ko. "Si Trip ba ang ka-date mo?" Madilim ang ekspresiyong tanong ni Indigo. Oh s**t. Wala naman talaga akong ka-date. Dahilan ko lang dahil obvious namang nabibwisit ako sa kanilang dalawa ni Kismet. Pero mukhang kapani-paniwala nga siguro kung sabihin kong si Trip nga ang n