Pagkatapos ng nakakatakot na karanasan na sumalubong sa magigiting na kawal ng Phorian, ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakbay. Ang tuyong lupa ng masukal na gubat na Florencia ay kanilang sinuyod at hindi sila tumigil hanggang sa marating na nila ang dulo nito. "Masyado nang kalat ang gabi, magpahinga muna tayo rito," ani Fernando pagkatapos ay bumaba na ito sa kanyang kabayo. Sumunod naman ang iba dahil sila man din ay pagod na. Kanya-kanya sila hanap ng mapagtatalian ng kanilang hayop bago magtipon-tipon sa sa iisang lugar. Nangalap ng panggatong ang iba habang ang mga nakatoka sa pagluluto ay nagsimula nang ihanda ang mga kagamitan na gagamitin. Si Prinsipe Derald ay tinabihan ni Fernando, sa ilalim ng malaking puno ng Naria, sila'y mataimtim na nag-usap na dalawa. "Pagkatap