Sa ilalim ng malawak at madilim na kalangitan, isang malaking pagdiriwang ang ginaganap. Sumabay sa saliw ng nakakaindak na musika ang halakhakan ng mga kawal kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila niyon, may dalawang lalaki ang taimtim na nag-uusap sa labas ng bulwagan. Nagpa-plano ng kanilang gagawin pagkatapos marinig ang balitang bitbit-bitbit ng kawal ng Hari mula sa bibig ng Prinsipe. "Sasamahan kita saan ka man magpunta. Kung balak mong kolektahin ang tatlo pang hiyas, ituturo ko sa iyo lahat ng kailangan mong malaman," ani Fernando. Pagkatapos ng ilang minuto pang pagpapalitan ng mga salita, nagpasya na ang Prinsipe na umuwi sa palasyo dahil may hiwalay na pagdiriwang na nagaganap doon kung saan ang mga panauhin ay mga mayayamang nilalang sa Phorian. "Mag-iingat ka. Ih