Napatingin siya sa main door ng simabahan. Unti-unting binubuksan iyon. Namumuo na ang mga pawis sa noo niya, maging sa leeg. So, ganito pala talaga ang nararamdamn ng mga lalaking ikinakasal sa babaeng mahal? Grabe, sobrang nakakakaba. Hindi mo alam kung sisiputin ka ba o hindi. Though, alam niyang sisiputin siya ng asawa dahill kasal na sila. Nagpakawala siya ng hininga para pakalmahin ang sarili kasabay ng pagpunas ng pawis, na tumutulo na pala. Bumungad sa kan'ya ang liwanag. Hindi niya makita ang asawa kaya kinabahan siya. Kanina pa siya napapraning kahit hindi pa nagsisimula. Paano kung iwan ulit siya ng asawa kagaya ng ginawa nito? Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. Pakiramdam niya napakabagal ng mga sandaling iyon. 'Yong excited ka ng makita ang mahal mo, saka naman binagala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books