“PAALIS KA?” tanong ni Sky Jewel kay Aquilles kinabukasan nang magising siya at nakita niya itong bihis na bihis. Magpapaalam din sana siya na aalis. Bagaman at hindi niya sasabihin kung saan siya pupunta. Pero minabuti niya na huwag na lang dahil baka siguradong hindi ito papayag. Or worst, igigiit pa ni Aquilles na sasamahan siya. Tutal, babalik din naman siya agad pagkatapos niyang masabi kay Reese ang pakay niya. “Pupuntahan ko lang ang informant ko. Alam na raw kasi nila kung saan makikita si Natasha.” Lumiwanag ang mukha ni Sky Jewel sa narinig. “Really?” nasisiyahang bulalas niya. Tumango si Aquilles. “Gusto mo bang sumama?” Mabilis sana siyang papayag kung hindi lang mahalaga rin ang lakad niya mamaya. Buhay ng kaniyang asawa ang nakasalalay doon. “Huwag na. Naglalambing ka