HAPON na nang magising si Sky Jewel. Sobrang sakit ng ulo at mga kalamnan niya. Nasusuka siya at masakit din ang kaniyang tiyan. Tapos parang uhaw na uhaw pa ang pakiramdam niya. Ah, hangover! Gusto niyang bumangon na pero parang gusto naman niya na matulog pa. Nang maalala ang nangyari bago siya nalasing ay kaagad niyang kinapkapan at pinakiramdaman ang sarili. May damit pa naman siya at wala rin siyang kakaibang nararamdaman. That made her smile. Sabi na nga ba, eh. Hindi kayang mamuwersa ng lasing ng boss na iyon. Good job talaga siya! Nailigtas na naman niya ang kaniyang virginity. Nang masiguro niya na wala sa kuwarto si Boss ay pinilit ni Sky Jewel na matulog na lang uli. Baka sakaling mawala ang hindi magandang nararamdaman niya. Kahit naman kasi gustuhin niyang lumabas para