One month later… NAGISING si Sky Jewel na tila may pamilyar na mga mata ang nagmamasid sa kaniya. Binuksan niya ang lampshade na nakapatong sa side table at saka inilibot ang tingin sa paligid. Ngunit kahungkagan lang ang sumalubong sa mga mata niya. Pero malakas talaga ang kutob niya na may ibang tao sa loob ng kuwarto niya. Ramdam niya iyon hanggang ngayon. Mabilis siyang bumangon nang makarinig ng kaluskos mula sa banyo. Bumaba siya ng kama at saka isinuot ang kaniyang roba. “Reese! Ikaw ba ‘yan?” malakas niyang tawag habang patungo sa banyo. Pero nang buksan niya ang pinto, pati na ang lahat ng ilaw ay wala naman siyang nakitang ibang tao maliban sa reflection niya sa malaking salamin na ikinalingon niya roon. Pati ang shower room ay tinungo at sinilip din niya ang loob. Tiningnan