NATIGILAN si Reese sa pagbaba ng hagdan sa bahay niya sa Toronto nang bumungad sa kaniya ang mga magulang at kapatid. Ilang araw na rin simula nang makalabas na sa ospital si Sky Jewel at dinala niya rito ang kaniyang mag-iina. Gusto rin sana nila na isama ang Mommy Crisanta nito na tuluyan na niyang pinatawad alang-alang sa pagmamahal niya kay Sky Jewel. Ngunit tumanggi ito. Pagkatapos humingi ng tawad at nangako na magbabagong buhay na ay umalis na ito upang bumalik sa Pilipinas at kusang isuko ang sarili sa mga pulis dahil sa mga kasalanan nito sa batas. Nangako naman si Reese na gagamitin niya ang pagiging INTERPOL agent niya para tulungan sina Sky Jewel at Mommy Crisanta na hanapin ang pumatay sa pamilya nito. Tinawagan din ni Reese ang kaniyang magulang upang ipaalam ang mga nang