NA’NG marinig ko ang kan’yang maririn na mga daing, mabilis kong hinakbang ang mga paa papunta sa kinaroroonan ng pintuan ng k’warto ko at kinapitan ang door knob para mabuksan. Na’ng magawa ko na, pabagsak kong sinarado at rinig na rinig ang malakas na kalabog sa ibang bahagi ng bahay. “Token of gratitude pala ah? Nakatikim tuloy s’ya sa ‘kin!” sigaw ko sabay padabog na hinubad ang bag pack at binalibag sa kama ko. Dito pa talaga sila sa bahay naglampungan?! Sarap tuloy balikan ang ugok at mabato ‘tong isa ko pang flat shoes na suot-suot ngayon. Hahakbang sana ako papuntang banyo pero may naririnig akong sunod-sunod na katok. “SINO ‘YAN?!” malakas kong sigaw. “Miss Junellah? P’wede bang pumasok?” Si Tita Maria pala. Nakakahiya, ang lakas ng boses ko. “O-Opo,” maikli kong tugon sabay na