KINAGAT ko agad ang dila ko para hindi pumakawala ng kahit anong nakakadudang reaks’yon at dahan-dahan ko ulit hinarap ang Kuya ko. Halos hindi ko na malunok ang sarili kong laway na parang bumara pa ‘yon sa gitna ng aking lalamunan na’ng masilayang naka-titig na pala s'ya ng diretso sa ‘kin. Umiba na pala ang p’westo n’ya ngayon at naka-tukod na ang kan’yang magkabilang siko sa mesa habang naka-lock ang mahahaba n’yang kaliwa’t kanang mga daliri. “Ah, ‘yon po ba? Nagkaroon lang po kami ng simpleng pagtatalo. Na’ng dahil kasi sa pangaasar n’ya kaya nasampal ko s’ya, pagod kasi ako at bad timing pa ang joke n’ya,” paliwang ko sa mahinahong paraan dahil ‘pag bumilis ang pagsasalita ko, mahahalata n’yang balisa ako! “Yeah she was right and for my apology, dito ko na pinatuloy ang kaibigan