MAKALIPAS ang limang araw, med’yo nasasanay na ako sa pamemeste ni Levai at nagbabaon na lang ako sa utak ko para may panlaban sa mga pangaasar n’yang hindi nakakatuwa. Hindi ko lang s’ya nababato ng mga bagay na mahawakan ko kapag nand’yan si Kuya Logan. “Good morning class, we have a new transferee again.” Napa-upo ako ng tuwid na’ng biglang pumasok si Sir Gordon sa classroom at parang may matangkad na lalakeng naka-buntot sa kan’ya. Gumagawa kami ng notes nina Klark at Historia pero dumating na si Sir. May narinig agad akong namumuong bulungan na’ng huminto si Sir sa gitna na ganu’n din ‘yong lalake kaya napa-titig kaming lahat sa kan’ya. Ilang saglit lang, may pabulong na’ng tumitili dahil may hitsura ‘tong transferee na ‘to. “Hi, I am Seane Hoover. Nice meeting you all,” pormal n’ya