PAGKATAPOS n’yang banggitin ang mga salitang ‘yon, bigla na namang tumahimik at wala rin naman akong maisagot sa sinabi n’ya. “Before that... could you let me give this watch for you?” mahinang usal n’ya sa seryosong boses. Marahan akong tumikhim para maayos pakinggan ang boses ko. “No, just keep that. Hindi ako tumatanggap ng mga mamahaling bagay mula sa ibang tao,” magalang kong usal sa pinakaunang pagkakataon. Tinututulan ko ‘yon kaya kinakailangang disente ang pananalita ko. “You prefer a cheaper one, then?” May halong pangugumbinsi n’yang saad. “N-No, hindi ko pa rin tatanggapin. Mag-ingat ka na lang sa biyahe bukas,” seryosong tugon ko. Narinig ko na namang pumakawala s’ya ng malalim na hininga. Bahala na kung rude at ayaw kong kunin ‘yon. Baka ano pa ang isipin n’ya dahil tinan