“W-Wow... grabe ngayon lang yata ako naka-kita ng ganito ka gandang wrist watch sissy...” mahinang usal ni Klark habang kapit-kapit ang binigay sa ‘kin ni Levai kagabi. Umuwi rin si Klark kinaumagahan at sinabi ko sa kan’ya ang nangyari tapos pinakita ko na rin ‘tong relo. “Sa quality... malamang milyon-milyon ang halaga nito,” dagdag n’ya pa. Naka-tayo kami ngayon sa tapat ng closet cabinet sa loob ng walk in closet ko at sa drawer kasi ng lalagyanan ng mga panty ko ‘yon tinago. Hindi p’wedeng makita ni Kuya Logan. Pati nga ‘yong bulaklak, inalis ko agad sa bouquet tapos nilagay sa vase. Sa banyo ko na ‘yon pinuwesto para hindi madaling makita. “Ayaw ko sanang tanggapin kaso nga lang, hindi na ako makatanggi...” sagot ko sa kan’ya habang naka-tayo lang s’ya rito sa gilid ko at titig na