CHAPTER ONE

1101 Words
YANNA BINAYBAY ko ang alternatibong daan palabas ng Rancho Leonora. Hindi ko alintana ang matatalas na damong humihiwa sa balat ko. Dawn is breaking. Kailangan ko ng makalayo bago pa man tuluyang lumiwanag. Or else, katapusan ko na. Katapusan ko na kapag nahuli ako ng Lola Salud ko. Halos dalawang dekada akong namalagi sa ranchong ito. Pero ngayon lang ako nakadaan dito dahil ayon sa Auntie Marge ko, mga piling tauhan lang daw ang puwedeng gumamit nito. Kaya hindi ko alam kung saan patungo ang bawat takbo-lakad na ginagawa ko. Ako ang gumagawa ng landas sa pamamagitan ng paghawi sa makakapal na damo. Ang importante, makalayo ako rito! Kailangan kong makarating sa Hacienda Aragon para humingi ng tulong kay Uncle Jaxx. Siya lang ang tanging taong kilala ko na kaya akong protektahan laban sa abuela ko. Bagaman at walang kasiguruhan, pero magbabakasakali ako. I’m not sure kung gaano na ako katagal na tumatakbo-lakad at kung gaano na ako kalayo mula sa mansiyon ng Lola Salud ko. But I don’t stop. I just keep going. Mabilis akong bumabangon at nagpapatuloy sa tuwing nadadapa at natatapilok ako. Wala na akong pake sa bawat sugat na tinatamo ko sa tuwing tumatama ang mga tuhod ko sa malalaki at matatalas na bato. Napahinto ako nang sa wakas ay natanaw ko sa di-kalayuan ang mga street light. Unti-unting sumungaw ang nabubuhayang ngiti sa takot na takot kong mga mata. Kalsada! Nagmamadali na tumakbo ako patungo sa daang iyon. Mula roon ay alam ko na kung paano pumunta sa Hacienda Aragon. Ang problema ko na lang ay kung paano makakarating doon. Wala pang pampasaherong jeep o tricycle kapag ganitong oras. Masiyadong malayo naman kung lalakarin ko pa. Baka hindi pa man ako nangangalahati ay nahuli na ako ni Lola Salud. Dahil alam niya na kung may lalapitan man ako para humingi ng tulong, iyon ay walang iba kundi si Uncle Jaxx. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang matarik na daan kaya natapilok ako at dumulas, dire-diretso paibaba. Salamat na lang sa Diyos at damuhan pa rin ang binagsakan ko at hindi batuhan. Kung hindi, baka nawalan na ako ng malay. Hinilot ko sandali ang natapilok kong paa bago nagpatuloy sa pagtakbo kahit pa napapaigik ako sa tuwing inaapak ko ito. Lalo ko pang binilisan nang may makita akong truck ng mga gulay na huminto. Bumaba mula roon ang driver at umihi. Kilala ko ang sasakyan na iyon na pag-aari ng katabing farm at isa sa mga bumibiyahe ng mga gulay papunta sa bayan na dumadaan sa Hacienda Aragon. Maliban sa driver at pahinante, wala akong nakitang tao sa likod niyon kundi puro gulay. Tulog ang pahinante at may kinausap pa sa cellphone ang driver pagkatapos niyang umihi. Iyon ang pagkakataong nakita ko para sumampa sa likod ng truck. Hindi ako sigurado kung titigil ba sila sa Hacienda Aragon o didiretso na sa bayan. Bahala na! Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ko ang pag-usad ng truck. Sumiksik ako sa mga gulay at niyakap ang aking mga binti. Eksakto naman na bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at may matibay na tolda na nagsisilbing bubong ng truck ang naging panangga ko laban sa malalakas na patak ng tubig mula sa kalangitan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapahikbi nang tanawin ko ang Rancho Leonora habang paliit nang paliit ito sa paningin ko. I’m sorry, Auntie Marge. Pero hindi ko na matutupad ang pangako ko na iintindihin si Lola Salud. I love her. Pero ayoko pang mamatay… Hindi pa ako puwedeng mamatay hangga’t hindi ko pa nakikita ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. YANNA HINDI ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Naramdaman ko na lang na tumigil na ang truck. Medyo maliwanag na sa labas. Bahagya kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa nang mabasa ko ang malaking karatula sa unahan namin. WELCOME TO HACIENDA ARAGON I haven’t been to this place in over a year. Pero wala namang gaanong nagbago mula rito sa labas. “Hoy, sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Magnanakaw ka, ‘no?” malakas at galit na sigaw sa akin ng pahinante nang makita niya ako na sumisilip sa labas kaya tumumba ako sa pagkagulat. Nakasuot ako ng scarf at salamin kaya siguro hindi niya ako namumukhaan bilang apo ng may-ari ng rancho na katabi ng farm na pinagtatrabahuan nila. “Sumama ka sa’kin! Dadalhin kita sa mga pulis!” Malakas niya akong hinila at kinaladkad pababa ng truck. Pero hindi ako puwedeng mahuli ng mga pulis. Siguradong kilala nila ako at si Lola Salud ang unang tatawagan nila. Ayokong masayang ang magdamag na pagod ko para lang makatakas sa kalupitan niya! “H-hindi po ako magnanakaw, Manong. Nakisakay lang po—” Hindi ko na natuloy ang pagpapaliwanag ko dahil bigla na lang niya akong itinulak nang malakas kaya bumagsak ako sa lupa. Napaigik naman ako nang bumaluktot ang paa ko na natapilok kanina. “Anong nangyayari?” tanong naman ng driver na bumaba at lumapit sa amin. “At sino ang babaeng iyan?” “Kawatan, ‘Nong,” Magnanakaw, Kuya. pagsusumbong ng pahinante sa kasama niya sa salitang Hiligaynon na kadalasang ginagamit ng mga local dito sa Bacolod. “Nahuli ko siya na kumukuha ng mga gulay sa truck natin.” “Hindi po totoo ‘yan!” umiiyak na tanggi ko pero agad namang naniwala ang driver sa kasama niya. “Kawatan ka gale, ha!” Magnanakaw ka pala, ha! galit din na sigaw niya, sabay sipa nang malakas sa akin. “Dapat sa mga salot na tulad mo ay pinapatay!” Pinagtulungan nila akong sipain. Hindi nila pinapakinggan kahit anong paliwanag ko. Umiiyak na ako sa pagmamakaawa habang nakasangga ang dalawang kamay ko sa aking mukha habang binubugbog nila ako. Nagdudulot ng matinding sakit na hindi ko na kayang tiisin ang bawat sipa at suntok sa akin ng dalawang lalaki na para bang hindi babae at isang tunay na criminal ang kanilang binubugbog. May mga naramdaman na akong sugat sa katawan ko na hindi ko matukoy kung saan dahil nauubusan na ako ng lakas at sigla. Kahit ang mga mata ko ay halos hindi ko na maidilat. Nakaligtas ba ako sa kamatayan mula sa kamay ng abuela ko para lang patayin ng mga taong napagkamalan lang akong magnanakaw? Halos hindi na ako gumagalaw pero patuloy pa rin sa pagsipa at pagbugbog sa akin ang pahinante at driver. Akala ko katapusan ko na nang biglang may sumigaw nang malakas mula kung saan. “Hoy, ano ‘yan!?! Ano ang ginagawa n'yo sa babae?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD