YANNA PAGKATAPOS ng mga nangyari sa amin ni Uncle Jaxx sa loob lang ng magdamag, at napatunayan ko na rin na hindi niya ikakagalit sakali mang mabuntis ako, sa wakas ay nakapagdesisyon na ako na sabihin sa kaniya ang buong katotohanan. Ang katotohanan tungkol sa totoong pagkamatay ng aking mga magulang. Nang sa ganoon ay wala na akong inililihim sa kaniya pagbalik namin sa Aragon’s Mansion. Nagbabakasakali rin ako na matulungan ako ng aking asawa sa paghahanap ng hustisya para kina Nanay at Tatay. Bagaman at hindi pa rin nawawala sa puso ko ang pangamba na baka ikapahamak din ni Uncle Jaxx kapag nalaman niya iyon. “Jaxx, hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa’yo ang totoo. Pero mag-asawa na tayo. At nangako na tayo sa isa’t isa na wala ng ililihim, ‘di ba?” paninimula ko habang m

