YANNA DITO na raw sa maliit na motel kami magpapalipas ng gabi dahil delikado na ang mag-motor. Marami pa kaming madadaanang maliliit na bayan na kahit maaayos naman ang kalsada ngunit wala pang matitinong street light. Dahil sa dami ng mga nangyari sa maghapon kaya nakatulog agad ako sa first round pa lang namin ni Uncle Jaxx. Gutom na gutom pa ako nang magising ako. Mabuti na lang at may nakahanda ng pagkain sa mesa. Mukhang bumili siya noong lumabas siya. Maliban sa mga pagkain ay may binili rin siyang mga damit na pamalit namin. Pati nga underw*ar ko. And it touches my heart. Dahil kahit anong galit niya sa akin ay hindi pa rin niya hinayaan na magutom ako at hindi makapagpalit. Wala na naman dito sa kuwarto si Uncle nang magising ako. Mukhang hindi pa siya kumakain dahil hindi