YANNA NANG makaalis ang mga kaibigan ni Uncle Jaxx ay saka ko lang siya binalikan. Kinabahan na naman ako nang makita ko na hanggang ngayon ay umuusok pa rin ang ilong at tainga niya sa galit. Nag-alangan tuloy akong lumapit sa kaniya. Pero kailangan ko siyang kumbinsehin na huwag na niya akong ipadala saa Benguet, ‘di ba? “Uncle, sorry na po uli. Alam ko na ang daming nadamay dahil sa maling desisyon ko. Pero hindi ko naman po talaga sinasadya,” malumanay na saad ko nang lapitan ko siya. “Promise po, hindi na talaga ako uulit at gagawin ko lahat ng gusto n’yo para makabawi ako sa panggugulo ko sa buhay ninyong magkakaibigan. But please, please, Uncle…” Pinaglapat ko pa ang aking mga palad habang nagsusumamo sa kaniyang harapan. “Huwag n’yo lang po talaga akong ipadala sa Benguet. Mahi