CHAPTER 53 "One must sacrifice in order to save what must be protected even it cost your entire life" SCARLET Habang pababagsak ako sa lupa ay natanaw ko ang mga kasamahaan kong mukhang nahihirapan na sa labanan pero pinipilit parin nilang lumaban para manalo. Naluluha ako sa sitwasyon namin ngayon mukhang matatalo na kami at tuluyang masasakop ng kadiliman ang buong mundo. Nakita kong tumilapon sina Brix at Anna sa ere na sinundan ng mga katunggali nila na disipolo ni Satanas at sina Luke at Dark pati na si Marcus na duguan. Habang si Martin sa baba ay pinipilit paring lumaban kahit duguan na rin at mga estudyante sa baba na ginagawa ang lahat ng makakaya nila para lumaban. Masakit para sa akin ang nasasaksihan