BIYERNES ang huling duty ni Annie sa ospital bago ang five days leave niya, kasama na ang weekend. Hindi rin siya nag-set ng schedule sa dalawang clinic ng limang araw para sulit ang kaniyang bakasyon. “Saan mo gustong magbakasyon?” tanong ni Ingrid. Sabay na sila nitong lumabas ng ospital. Si Alejandro ang kasama niya dahil nasa Subic si Vladimir. Ihahanda umano nito ang rest house na tutuluyan nila. “Sa Subic Bay, sa rest house ni Vladimir,” tugon niya. “Wow! Nakapunta na ako isang beses doon at sobrang ganda! Malula ka sa yaman ni Vladimir.” Lalo tuloy siyang na-excite. “Talaga? Pinakita lang sa akin ni Vladimir ang picture ng rest house niya at hindi ang buong property.” “Nako! I’m sure you will wish to stay there once you see the place. Mas maganda pa nga ‘yon kaysa mga resort,

