LINGGO ng gabi. Hinintay lang ni Vladimir na makatulog si Annie bago lumabas ng bahay. Tuloy na ang raid operation nila sa headquarters ni Black Mamba. Nauna na ang ibang agents nila sa target place pero hinihintay ang utos nila. Magkahiwalay sila ng kotse ni Alejandro at ito ang gumamit ng kotse niya, ang kay Annie naman ang sa kaniya na siya mismo ang nagmamaneho. Nauna lang sa kaniya si Alejandro pero nakabukas ang linya ng komunikasyon nila. “Where are you now, Al?” tanong niya sa kaibigan. They used the earphones to communicate with each other. Konektado sa system nila ang tawag kaugnay ng ibang agents nila na may kaniya-kaniyang taong kasama. Tatlong agents lang ang kasama niya at isa na roon si Russo. Si Roki naman ang kasama ni Alejandro. “We’re heading to the Cavity City,” tu

