Chapter 62

1662 Words

CURIOUS pa rin si Annie sa tattoo ni Chase. Gusto niyang malaman ang meaning niyon at bakit pareho kay Harry. Hindi naman siya nagtaka bakit kilala ni Chase si Harry. Maaring nabanggit na ito ni Vladimir dahil tumutulong din si Chase sa pagtukoy kay Big Boss. “Ano’ng pinag-usapan ninyo ni Chase?” usisa ni Vladimir nang makapasok sila sa kuwarto. “Wala,” turan niya. “Anong wala? I saw you talking to him.” “Tinanong ko lang siya kay may tattoo siya sa pulupulsuhan na katulad kay Harry, iyong initial na B.” Lumuklok siya sa gilid ng kama at naghubad ng blouse. Amoy ulam na kasi siya. “Initial na B? Ano’ng meaning n’yon?” “Sabi ni Harry noon may double meaning ‘yon. Maliban sa initial ng second name niya ang B, kasali rin siya sa fraternity na Bravo La Soliciedad, at iyong initial B ay t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD