Chapter 58

1823 Words

KINABUKASAN ng umaga ay gumala naman sila sa ibang lugar sa Subic Bay. Pinagbigyan ni Annie si Vladimir na mamasyal sa Ocean Park na matagal na umano nito gustong puntahan. “Ang lapit dito ng auction mo bakit hindi ka pumunta?” tanong niya sa binata. Pumasok na sila sa area kung saan puwede silang magpakain ng mga dolfin. Excited si Vladimir na makahipo ng ulo ng dolfin at makipaglaro. “Kasi wala akong kasama. Ayaw naman ni Alejandro sumama sa ganitong lugar,” ani Vladimir. “Bakit?” “Kasi ayaw niya ng crowd. You know, Alejandro was an introvert. Being alone was his comfort zone. Stressful para sa kaniya ang ma-expose sa maraming tao.” “Talaga? I though he was just shy,” manghang wika niya. “Introvert na siya noong nakilala ko. Kaya pinili niya ang tahimik na posisyon sa military.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD