INOOBSERBAHAN ni Vladimir si Daniel habang kumakain silang apat. He can’t assume that Daniel was the big boss. He’s closer to Annie, and he can trap her in the hospital if he wants to claim her. At masyadong malambot si Daniel para maging mafia lord. Hindi niya napansin na may tattoo ito noon dahil palaging may suot na coat at hindi pa ganoon ang buhok nito. Medyo mahaba ang buhok nito noong nakaraan at natatakpan ang batok. Kumislot siya nang tapikin ni Annie ang kaniyang kanang braso. Napatitig naman siya rito. “Are you okay?” tanong sa kaniya ng dalaga. “Uh, yes. Inaantok lang ako,” sabi niya. “You should take a nap later in the clinic.” “Okay. Anong oras ba tayo pupuntang clinic?” “Alas-tres ng hapon.” “Sige. Iidlip na lang ako mamaya.” Ibinalik niya ang atensiyon kay Daniel na

