CHAPTER 13 Charlotte's Pov: "Okay ka na ba?" Nagaalalang tanong ni Jas sa 'kin. Kami na lang ang naiwan sa CR. "Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay?" Sagot ko habang naghuhugas ng kamay. Ngayon lang kami makakapagusap ng masinsinan dahil kanina ay may klase. Isa pa, naroon pa si Wyn. "Alam mo, grabe talaga yang asawa mo! Ang landi talaga!" Naiinis na sigaw ni Jas. Okay lang naman s'yang magsisigaw dito dahil malayo ang banyo na 'to sa classrooms at kakaunti lang ang gumamit dito dahil bukod sa malayo ay medyo nakakatakot din daw ang lugar. Ewan ko sa kanila. "Hayaan mo na, Jas. Sa papel lang naman kami mag-asawa," I said calmly. Kung kanina tila puputok na ako sa inis, ngayon ay wala na akong pakialam dahil totoong sa papel lang naman kami kasal at di naman namin g