Tristan's POV "Boss, magkasama ngayon si Mrs. Vasquez at ang anak niyang babae." Imporma sa akin ng isang tauhan ko. Napangisi ako. "Good." "Wala silang mga kasamang bodyguard, boss." "Mabuti kung ganun. Alam niyo na ang gagawin?" "Yes, boss." "Good." Pinatay ko ang tawag at tinawagan ang isa ko pang tauhan. "Kumusta ang asawa ni Gabriel Rosales?" "Boss, andito siya ngayon sa department store." "Mag-isa lang ba siya?" "Sa tingin ko, boss." "Siguraduhin niyong hindi niya kasama ang asawa niya dahil kahit mag-isa lang si Gabriek Rosales, kayang-kaya niya kayong patumbahin." "Yes, boss." Ngumisi ako. "Siya ang regalo ko sa pamangkin ko." "Maganda ang asawa ni Mr. Rosales, boss." Ngumisi ako. "Oo, huwag kayong mag-alala dahil kung pinagsawaan siya ng pamangkin ko, ibibigay ko s

