Gabriel's POV Napatigil ako sa pagpasok sa kwarto namin ni Liz dahil narinig ko siyang umiiyak. Napabuntong-hininga ako at tuluyan ng pumasok. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakataligid. Ang likod niya ang nakaharap sa akin. She was sobbing and it was like someone gripped my heart. Dalawang buwan mula ng makalabas siya ng hospital. She changed. Madalang na lang siyang magsalita. There are times na nadadatnan ko siyang nakatulala dito sa kwarto namin o di kaya ay umiiyak tulad ngayon. Minsan nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi at nagsisigaw. Madalang rin siyang lumabas ng kwarto. I know, mahirap niyang tanggapin ang nangyari sa kanya. All I could do for her now is that to care and love her. I'll make her feel that someone is caring for her and she's not alone. Inilapag ko a

