"OF COURSE, Deus, I will marry you," sagot ni Jwan sa formal na proposal ni Deus sa kanya. Sa totoo lang, may parte sa aking puso na humiling na sana 'No' rin ang isagot ni Jwan. Pero sino bang babaeng buntis ang magri-reject pa sa isang proposal kung ang bata sa kanyang sinapupunan ang kanyang iniisip? Kaysa pride ang pairalin ay syempre ang kapakanan na ng bata na kanyang isisilang. Mas ikakabuti naman talaga ng bata na kalakhan siyang ama. I do understand Jwan in this situation. Nagyakap na silang dalawa at nagpalakpakan ulit ang mga tao. Ako nama'y nauna nang sumimsin ng champagne. "So totoo nga na walang kang dalang sumpa," tukso na naman sa akin ni Jahara. I drew a deep, silent breath. Pasalamat siya at alam ko na wig ang kanyang buhok ngayon kundi nahila ko na. "Mabuti 'yan, g