KUNG hindi dahil sa matinding pakiusap ko ay hindi ako idadaan at iiwanan nina Tatay Rod at Yaya Anette rito sa bahay nina Jwan. “Umuwi ka agad at baka hanapin ka sa amin ng papa mo,” bilin sa akin ni Yaya kahit na umaandar na sila. Sumilip siya bintana ng kotse. Kumaway na lamang ako sa kanila. “Kuya, si Jwan?” sobrang tamis ang pagkakangiti ko na tanong ko sa guard na nagbabantay sa gate ng bahay nina Jwan. Alam ko na nakikilala na niya ako kasi ang ganda na ng pagkakangiti niya sa akin. Malamang ay sinabihan na ito ni Kuya Froy na welcome na ako rito sa bahay nila any time I wanted to visit. “Nasa may pool area po yata sila, Ma’am,” tugon niya sa akin. “Sila?” I had taken notice of the pronoun he used. “Ah, opo, kasama niya po si Sir Deus,” panlilinaw ni kuya guard. My smile fad