Part 32

1993 Words

“MARAMI naman po akong ibang gawa, Ma’am. Puwede kayong pumili pa,” nakikiusap na sabi ni Jwan nang ipinagpipilitan pa rin ng madam na bilhin ang painting. Nakikipagmatigasan ito dahil gusto raw niya ang fairies. “Gio, paki-assist si ma’am?” utos din niya kay Gio. “No, ayoko na ng iba. I really want that particular painting. Naalala ko kasi ang anak ko na namatay. She was ten years old when she passed away. At favorite niya ang mga fairy.” Nagdrama na ang madam. “Kung naliliitan ka pa sa offer ko ay dodoblehin ko pa kung gusto mo. Name your price,” saka alok ulit nito ng presyo. Desidido talaga siya na bilhin ang fairies. Nalula na talaga ako kasi ang laki na niyon para sa ordinaryong painting ni Jwan. Hindi pa naman kasi siya ganoon kasikat para makabenta siya ng ganoong kalaking presyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD