Part 5

2535 Words
HINDI KO alam kung ilang bilang na na naglipat-lipat ang tingin ko sa kalsada. Titingin ako sa kanang bahagi, tapos sa kaliwa, paulit-ulit. Para na akong tanga. Kanina, habang nagbibihis ako ay alam ko naman kung saan ako patungo. At iyon ay sa bahay nina Deus. Pero ngayong nandito na ako sa labas ng subdivision at nakasakay sa kotse ko ay biglang nag-alangan na ako. Hindi ko na alam kung kakabigin ko ba ang manibela pakanan o pakaliwa. Kapag kanan kasi ay way sa bahay nina Deus, at kapag kaliwa naman ay patungo sa bahay nina... Yeah, sa bahay nina Jwan, na all of a sudden ay naalala ko na naman. Well, siguro ay dahil nasanay ako noon na kapag itinatakas ko ang kotse ni Papa ay laging gusto kong puntahan ay ang bahay nina Jwan kahit na hindi naman ako puwede pumasok, dahil hindi pa ako kilala ng pamilya ni Jwan noon, at saka ayaw ni Jwan. I pouted, and once again ay tumingin ako sa kanan tapos ay sa kaliwa. Then I bit my lower lip. Sabagay, umuwi ako rito sa Pilipinas dahil kay Deus. Dapat lang talaga na sa kanya ako pupunta agad para makapag-usap na kami. Hindi puwede ang gano'n na nakabuntis lang siya ay hihiwalayan na ako. Hindi ako papayag. Ano 'yon? Nagsayang lang kami ng panahon sa isa't isa? Kapal niya, ah. Akmang iiikot ko na ang manibela pakanan nang biglang nag-ring ang phone ko. Nagpasya akong sagutin muna ang tawag nang nakita kong pangalan ni Sal ang nasa itaas ng calling sa screen ng phone ko. Baka tungkol sa CoatDiva ang dahilan. Gusto ko kasi na kahit narito ako sa Pilipinas ay hands on ako sa aking negosyo. Binilinan ko talaga si Sal na kahit konting issue sa CoatDiva ay tawagan niya ako agad. "Yeoboseyo..." sagot ko sa tawag niya nang maisiksik ko ang bluetooth headset ko sa aking tainga. I said 'Hello'. Syempre isang araw pa lang naman ako rito sa Pilipinas kaya ang dila ko ay nagku-Korean Language pa rin. "Sachon, kumusta riyan sa Pinas?" tanong niya sa akin bago ang lahat. "Okay naman. Kayo riyan?" "Okay lang naman din. Nandito na ako sa boutique. Ikaw nasa'n ka? Gumagala ka na ba? Iyong mga pasalubong ko sa asawa ko at anak ko, huwag mo kalimutan na dalhin agad sa kanila." I blew out a sigh. How I wish dahil sa gala or bakasyon nga ang dahilan bakit ako umuwi. Baka ang saya sana ng araw ko ngayon. "Wait, don't tell me pupuntahan mo agad si Deus para sugurin pero nag-aalangan ka?" nakaramdam na tanong sa akin ni Sal. And how I wish also na gano'n nga lang sana. Kaso hindi, dahil heto na naman si Jwan, sumisingit sa aking isipan. Kasalanan lahat ito ni Deus. Dahil sa pakikipaghiwalay niya sa akin ay bumalik lahat ang ala-ala ni Jwan sa akin, pati na ang mga sakit na noon ko pa ibinaon sa limot. Tuloy ay ang gulo-gulo na ng utak ko. "Or baka naman iba ang gusto mong puntahan? Naku, mahirap 'yan. Wala pa namang sujo riyan," pang-aasar pa sa akin ni Sal. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng gaga pagdating sa ganitong bagay. At ang lakas mang-asar. "Anong wala, meron na," pagtatama ko sa kanya dahil may soju naman na talaga rito sa Pinas. Ang soju ay ang sikat na alak sa Korea. At sa pagkakaalam ko ay sumikat din dito sa Pilipinas dahil sa mga Korean Drama. "Pero iba pa rin ang feeling na dito sa Seoul uminom ng soju with dried squid," pang-iinggit niya sa akin. Hindi kami lasinggera ni Sal. Sadyang sobrang lamig lang kasi sa Korea lalo na kapag winter kaya nakahiligan na naming uminom ng soju para pampainit ng katawan. Tig-isang bote kami bago umuwi sa aming apartment. "Tss!" I rolled my eyes. Kung meron man akong gustong kainin ngayon ay mga Filipino foods naman kaya hindi niya ako maiinggit. Baka siya pa ang mainggit sa akin kung sasabihin kong adobo ang inalmusal ko kanina. Adobong masarap ni Yaya Anette na favorite naming dalawa. I heard her barked a laugh. Is she laughing at me? Pasalamat siya wala ako sa tabi niya. "Sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako?" At talagang nang-aasar pa talaga na kumanta ang gaga. "Ay mali, mahal mo o talagang mahal mo pala dapat," tapos ay pilyang pagtatama pa talaga niya bago tumawa ulit. "Ya!" saway ko sa kanya. 'Ya' is 'Hey' in English. Naiinis na talaga ako. "Bakit ka ba pikon? Tinutulungan lang kita if sino pipiliin mo." Alam ko na nakaingos siya habang sinasabi iyon, halata sa tono niya na parang pabalang. "You're not helping," nakairap ko rin na sabi. This time she chuckled. "Kung ako sa'yo hihingi na lang ako ng sign kay God para matapos na 'yang problema mo." "Paanong sign?" Okay, lalo akong naguluhan sa pinagsasabi niya. "Sign, mga signs. Tulad ng kapag nag-snow riyan ngayon ay kay Jwan ka pupunta, at kung umulan naman ng bangus ay kay Deus ka naman pupunta. Ganern." Napasinghap ako sa mga sinabi niya kasi lahat naman imposible na mga signs. Asar ko pa lalo nang bigla siyang nagpaalam habang tumatawa kasi may customer na raw siya. Bruha talaga! "Aisst!" Inis na inis akong tinanggal ang headset sa aking tainga. Kahit kailan talaga ang pinsan ko na iyon, wala nang naitulong. Makakatikim 'yon sa akin pagbalik ko roon. Kung sabagay may point naman si Sal. Kailangan ko nga siguro talaga ng sign ngayon kung saan ba ang tamang daan. Kung sa kaliwa ba o sa kanan. Mag-iisip na sana ako kung anong signs ang hihilingin ko, pero kasi ay biglang may kumatok sa salamin ng kotse sa labas. At isa sa mga guwardya ng gate ng subdivision. I rolled down the window. "Yes?" and asked. "Ma'am, paki-abante po kasi may dadaan po," napakagalang na sabi niya sa akin. "Oh, I'm sorry." At grabe akong nataranta nang nakita ko sa side mirror ang kotseng tinutukoy nito. Ngayon ko lang din napansin na nasa gitna ng kalsada pala ang aking kotse. Nakakahiya. Wala sa sarili, I moved the car forward a little. Huli na nang aking na-realize na pakanan ko nakabig ang aking manibela. Is this now the sign? Na dapat ay si Deus ang puntahan ko? The hair on the back of my neck bristled. Sa totoo lang ay hindi kasi ako naniniwala sa mga sign-sign daw. Saglit akong natigilan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Kahit pa may sign na kasi ay may bahagi ng puso ko na kumukuntra. Eventually, nakita ko na lang ang sarili ko na seni-search ang address ni Deus sa Waze App ng aking phone. I decided na sundin ang sign. Dahil naisip ko na bakit naman ako pupunta kay Jwan? Anong dahilan? Naalala ko lang naman siya kasi naalala ng puso ko 'yung sakit noong naghiwalay kami sa sakit na naramdaman ko sa pakikipaghiwalay naman sa akin ni Deus. Oo, tama. Iyon lang 'yon. I maneuvered and after a while I sped down the drive. Gusto ko na agad ay makarating sa bahay nina Deus. I'm excited dahil first time ko na pupunta sa bahay nila kahit na alam kong baka gulo lamang ang dala-dala ko. But I don't mind, ako ang girlfriend kaya dapat lang na magulo sila kapag nakita nila ako. Tama lang na masurpresa sila sa aking pagdating dahil ako ang inagrabyado nila. Whoever the woman is, sorry, dahil hindi niya masisilo si Deus dahil lang buntis siya. Malaki na ang investment ko kay Deus, at madami na akong nasayang na panahon para lang mag-work ang relationship namin, kaya hindi ako papayag na isang bukaka lamang niya ay mapupunta na sa kanya ang boyfriend ko. No way in hell! Habang nagda-drive at palapit na palapit ako sa bahay nina Deus ay unti-unti na akong nakakaramdam ng inis sa kanya. How dare he doing this to me! Hanggang sa nag-prompt na si Waze na arriving na raw ako sa aking destination. Saglit ay ipinarada ko ang kotse sa tapat ng minimalist modern double-storey house. Nag-aalangan man if bahay na ba nina Deus talaga ang narating ko ay bumaba pa rin na ako sa kotse ko. From habit, I looked around for checking, at napa-exhale na lang ako nang mapagtanto ko na tahimik naman ang lugar. May mga tao pero mukhang mga desente naman sila. My concern that I might have drifted out of the safe zone gradually diminished. Lumapit na ako sa gate ng bahay. And I was about to press the doorbell sa may entrance gate nang biglang may lumabas doon na babae. An attractive woman, tall and slim and broad shoulders. She's wearing a sapphire blue pantsuit. At masasabi kong bagay sa kanya lalo't nakatali lahat ang buhok niya pataas. Para siyang modelo. For a moment we stared at each other. At kapwa kaming literal na napanganga nang nakilala na namin ang isa't isa. "Shema?" / "Carrie?" sabay naming nasambit ang pangalan namin. Pagkuwa'y parehas na kaming natuwa. Si Carrie ay ang best friend ko noon sa college, ang tanging nakakaalam sa sekreto ko at sa sekretong relasyon namin noon ni Jwan. Pero dahil sa hindi inasahang pangyayari ay biglang naging frenemy ko. Anyway, matagal naman na iyon kaya wala na iyon sa akin. Totoong natutuwa ako na nakita ko siya ngayon. "How are you, Shema? Kailan ka pa nakabalik?" tanong niya sa akin, giving me her most charming smile. Siguro ay nalalaman niya sa social media accounts ko ang nangyayari sa buhay ko kaya ganito ang naging tanong niya. Alam niya malamang na nandoon ako sa South Korea ng ilang taon. Hindi ko nga lang matandaan if friends ko ba siya f*******:. Inisip ko na lang na baka naka-follow siya sa akin sa Twitter or sa i********:. Basta ako wala akong matandaan na finallow ko siya. "Kahapon lang and okay naman ako. How about you? Kumusta ka?" sagot ko at tanong ko rin na walang halong kaplastikan. Actually naramdaman ko na na-miss ko si Carrie, na-miss ko ang best friend ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang yayain sa kung saan tapos magkwentuhan kami. I want to catch up with her. Sabihin na sana ngayong nagkita ulit kami ay friends ulit kami. "Carrie, nakalimutan mo itong cellphone mo." Pero nang lumabas si Deus mula sa loob ay biglang nawala ang ngiti ko. Nawala lahat ang gusto ko na gawin at sabihin kay Carrie. Bumalik sa akin ang sadya ko sa lugar na iyon. Naaalala ko na narito nga pala ako sa bahay nina Deus. At nabuo ang tanong sa isip ko na, bakit narito si Carrie? I shivered. Hindi ko gusto ang nasa isip ko pero hindi ko magawa na magtanong. Pati man si Deus ay nagulat nang nakita ako. I saw his eyes lightly widened up as his lips parted. Ni hindi rin siya nakaimik. "Do you know each other?" tanong ni Carrie, pero walang nakasagot sa amin ni Deus. "S-Shema, anong ginagawa mo rito?" sa halip ay tanong sa akin ni Deus. Kung kanina ay handang-handa akong sabihin na nagpunta ako rito, na umuwi ako rito sa Pilipinas ay upang makipag-ayos sa kanya, ngayon ay hindi ko na alam. Naging blangko ang isip ko at napuno agad ng galit ang puso ko. My hands curled into fists. Ang isipan ko'y humihayaw. Si Carrie na naman?! Siya na naman?! Wow! "Shema, I will explain," sabi ni Deus. Kumilos siya para sana hawakan ako. Dahil do'n ay hindi ko namalayan na sinampal ko siya. Gitla siya, pati na si Carrie. Napatutop pa si Carrie sa kanyang bunganga. Napaiyak naman ako pagkatapos. Grabe ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Ang dami kong gustong isumbat sa kanilang dalawa pero hindi ko kinaya. Bagkus mas pinili ko na mag-walk out na lang. Ragasa ang mga luha ko sa pagpatak na dali-dali akong bumalik sa kotse ko. "Shema, wait!" Nga lang ay mabilis na nahawakan ni Deus ang braso ko. Pinigilan niya ako. Sa ginawa niya nagsikip ang dibdib ko. Dahil muli ay parang déjà vu na naman ang lahat. Nangyari na ito, eh. At tandang-tanda ko pa. ********* "HAVE YOU seen Jwan? Narito na ba siya sa school?" tanong ko sa isa sa mga kaklaseng lalaki ni Jwan na nakita ko sa corridor. Kaso ay umiling siya kaya nagpatuloy na ako sa paglakad. Kadarating ko lang dito sa University, at si Jwan agad ang hinahanap ko dahil gusto ko siyang makausap agad tungkol sa kanyang Kuya Froy. Tatanungin ko siya kung ano ba talaga ang trip niya. Kung bakit gano'n na may padalaw-dalaw na iyong kapatid niya sa bahay namin. Tapos may dala pang paborito kong bulaklak na si Jwan lang ang nakakaalam. Naiinis ako nang sobra kay Jwan kagabi. Hindi ko nga alam pero parang nabastos ko pa si Kuya Froy kasi pinauwi ko siya agad. Nagkunwari ako na masama ang pakiramdam ko. Si Papa na lang ang humingi ng paumanhin. At nagatungan pa ang inis ko kay Jwan nang hindi ko siya matawagan. Tapos kahit seen sa mga chat ko ay wala. Hindi ko alam if iniiwasan niya ba ako kagabi o ano na. "Gio, wait," tawag pansin ko sa isang barkada ni Jwan na sunod kong nakita. Tumigil naman siya sa paglakad at nilingon ako. Nag-fist bump kami nang makalapit ako sa kanya. "What's up?" at tanong niya sa akin sa boses na pilit ginagawang husky para boses lalaki. Si Gio kasi ay isang Butch Lesbian, klase ng lesbian na parang lalaki na. Sa buhok, sa style ng damit, at pati lakad ay lalaking lalaki na siya, pero halata pa rin na babae sila hindi tulad ng mga Transman. "Did you know where is Jwan?" kiming tanong ko. Kahit kasi barkada siya ni Jwan ay hindi ako kumportable sa kanya. Hindi pa kasi kami masyadong close. Sa isang taon na naging kami ni Jwan ay ilang beses ko pa lang nakasalamuha o nakasama sila sa gimik. At saka ayaw naman kasi ni Jwan na lagi akong sumasama sa mga gimik o lakad nila. Ang tingin talaga sa akin ni Jwan ay babae na girlfriend niya. Ang gusto niya yata ay manatili ako sa kung ano ako. Ayaw niya akong ma-impluwensyahan ng mga barkada niya. Gusto niya ay sa mga babae pa rin ako makikipagkaibigan. "Nasa library," tipid na sagot ni Gio. "Thanks," pasalamat ko at nagtatakbo na ako papuntang library. Pagdating ko roon ay hinahanap ko agad si Jwan. Malawak ang library ng Sanchi University kaya ilang shelves pa ang nasilip ko bago ko siya nakita. Nga lang ay para akong nakakita ng multo nang na-realize ko kung ano ang ginagawa ni Jwan sa kasama nitong babae. Hawak ni Jwan ang magkabilang pisngi ng babae. "Part'?!" Ayoko sana na agawin agad ang atensyon nila pero kusa kasing naibigkas iyon ng bibig ko. Kahit man si Jwan ay parang nakakita ng multo nang nakita niya ako. Agad niyang binitawan ang babae na kanyang hahalikan dapat. "Part'? Anong ginagawa mo rito?" nabahala niya na tanong. Nang lumingon sa akin ang babae ay doon ko nakita na si Carrie pala siya. Ang best friend ko. Doon parang tumigil sa pagtibok ang puso ko kasabay nang pagpatak ng mga luha ko. Nangilabot ang buong katawan ko. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mangyayari ito, na makakakita ako ng ganitong eksena between them. Parang kapatid ko na si Carrie, eh. "Part', magpapaliwanag ako." Natarantang nilapitan ako ni Jwan. Pero sinalubong siya ng malutong kong sampal kaya natigilan siya. Ilang segundo na nanatiling nakatagilid ang kanyang mukha. At nang tingnan niya ako ay namumula na ang kanyang mga mata sa nagbabadya niyang mga luha. Nagkatitigan kami. Umiiyak na ako. Humihikbi. At nang hindi ko makayanan ay nagtatakbo na ako paalis........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD