Raven's Point of View Sa lahat ng bagay, ang pangitain ang pinakaayaw kong makita sa lahat. Nang hawakan ko kasi ang braso ni Lala at hilahin siya palapit sa akin ay kung ano-anong mga imahe na mabilis kong nakita. Hindi ko batid kung nakita niya rin ang mga iyon sa kaniyang isip dahil nang makarating kami sa tahanan ng mga Merman ay kapansin-pansin ang kaniyang pagkabalisa nang biglaan. Bibihira ko lang siyang makitang ganoon. Sa mga panahon lamang kung saan may kinakatakutan siyang isang bagay o may nararamdaman siyang kakaiba sa paligid. Naging alerto tuloy ako. Tinitignan ang paligid maging ang mga nakakasalubong namin. Halos magkakamukha sila ay kay hirap masabi kung nay pinagkaiba. Napakaraming mga naroon. Hindi lamang mga Merman. May iba't-ibang mga nilalang din silang mga bisi