Madaling-araw na nang magdesisyong magpahinga ang Reyna. Naglakad mag-isa palabas ng silid-aklatan at tinahak ang pasilyo papunta sa kaniyang silid. Kapansin-pansin ang katahimikan ng paligid dahil karamihan ay nagpapahinga na sa kani-kanilang mga bahay at silid. May mangilan-ngilang mga kawal siyang nasasalubong, mag nagroronda sa oras na ganoon at nang ilang hakbang na lamang siya sa kan'yang kuwarto ay isang kawal ang humahangos na tinawag siya. "Kamahalan!" malakas nitong sigaw. Agad naman niya itong nilingon at nakita ang kawal na hingal na hingal. Nagbigay galang ito sa Reyna nang makalapit at sa pag-angat niya ng ulo mula sa bahagyang pagyuko ay agad niyang sinabi ang balitang kararating lang mula sa kabilang mundo. Nawala ang antok ng Reyna nang marinig. Agad niyanf inutos na ta