Nakaupo ngayon ang dalaga sa swivel chair niya. Mag-iisang oras na siya rito sa kanyang opisina ngunit ni isang trabaho'y wala pa siyang nagawa. Nakatuon lang ang atensyon niya sa malaking glass window kung saan kita ang siyudad. May mga bagay na umiikot sa kanyang isipan simula pa kahapon. May mga tanong siyang dapat masagot tungkol kay Karl. He turned to her laptop and started typing on the search section. Tinipa niya roon ang pangalan ni Karl. Dumalo ang binata kahapon sa party kaya ibig sabihin may koneksyon ito sa kompanya. He might be one of the investors of DLC Incorporation. Nang mag-appear ang pangalan ng binata ay agad niya itong binuksan. Naglalaman doon ang mga detalye tungkol sa binata. Ayon sa artikulo'y siya na ang namamahala ng kompanya nila. Dati'y maliit lang a