"Welcome to the club, Kor. Magiging Andres Bonifacio ka na rin!" bati sa akin ni Sky na natatawa habang palapit na ako sa lamesang kinaroroonan nila ng mga kaibigan niya. "True!!!" Naghiyawan ang mga kaibigan namin sa sinabi ni Sky. Natawa lang ako ng mahina habang umiiling. Sila lang iyon, hindi ako. Ako? Magiging under de saya no Ximena? No way! Hindi ako naging mafia boss para lang paluhurin ng isang babae sa harapan niya. Ibang luhod pwede pa, pero kung luhod na gaya ng sinasabi ni Sky. Hindi pwede! Hindi ako katulad nila na takusa, takot sa mga asawa nila. Si Ximena ang dapat na matakot sa akin. Dapat ako palagi ang kanyang sundin. Ako ang hari...reyna lang siya na dapat yumukod pa rin sa akin. Kahit gaano ko pa siya kamahal. Hinding-hindi ako luluhod kay Ximena. Dapat sa aming d