Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Kor pagkatapos kong umamin kanina. Lagi siyang nakangiti at hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ito o hindi. Ang weird kasi niya tingnan. Para siyang nahihipan ng hangin kaya hindi na siya bumalik sa dati Maging si Tito Arnulfo at Anna ay malamang napapansin ito. Pare-pareho kami ng reaksyon at malamang pare-pareho rin kami ng iniisip. "Baby ko…say ahhhhh," ani ni Kor sa akin at itinapat ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Palihim akong napangiwi ngunit nilingon ko naman siya. Sinimangutan ko siya at alanganin ako kung isusubo ko bang muli ang isinusubo niya o tatanggihan ko na lang. May sarili naman akong plato kung bakit naman kasi sinusubuan pa niya ako. Narito kami sa hapag-kainan at sabay-sabay kaming kumakain. Ako, si Kor at mag-amang Anna at