Palakad-lakad ako sa labas ng kwartong kinaroroonan ni Ximena. Hindi ako mapakali habang patingin-tingin ako sa aking orasan. Kanina pa siya ipinasok sa emergency room at halos isang oras na ay hindi pa siya lumalabas. Alam ko naman na mababaw lang ang sugat na tinamo niya sa kanyang balikat. Pero sobrang nag-aalala pa rin ako dahil buntis siya. Baka mamaya ay nagkaroon siya ng trauma sa nangyari at mag-cause ito ng stress sa kanya at sa baby. Sabi pa naman ng OB-GYN niya ay dapat hindi ma-stress si Ximena dahil madadamay ang batang dinadala niya once na ma-stress ang ina. "Doc, how's my wife?" tanong ko agad sa doktor nang sa wakas ay lumabas na itp sa kwartong kinaroroonan ni Ximena. May kasama itong nurse at nag-uusap sila using medical term. Sana naman ayos lang si Ximena at ang ba