Tahimik ang paligid habang binabaybay ko ang pasilyo paalis sa kwarto na pinanggalingan ko. Malalim na ang gabi at malamang halos tulog na ang mga pasyente at ang mga nagbabantay sa kanila na narito sa ospital kaya walang tao sa pasilyo na pakalat-kalat. Baka pati ang ilang doktor at nurse na naka-duty ay nasa kanya-kanyang quarters at saglit na umiidlip para pambawi ng lakas kahit saglit lang para sa magdamagang puyat. Medyo madilim rito sa binabaybay kong daan kaya naman may pagkakataon ako na makatalilis na walang nakakapansin sa akin. Wala talagang katao-tao sa pasilyo at salamat naman at wala ang mga bodyguard ni Kor sa labas ng silid ko nang patalilis kong iniwan ang kwartong kinaroroonan ko kanina. Hindi ko sana malalaman na may nagbabantay sa labas ng kwartong kinaroroonan ko ku