Sumigla ang buong mansion pagdating ni Ximena. Finally she is homed. Dalawang buwan siyang nawala kaya naman nang makita siya ng mga kasambahay ko ay halos dumugin nila si Ximena. Si Nanay Medring ay hindi magkandaugaga sa pag-aasikaso ng pagkain ng asawa ko at mukhang nakalimutan na niya ang tungkol sa akin. Ang ibang katulong din ay masayang nakikipag-usap sa asawa ko at inignora na ako ay nasa paligid. Kumain ako ng tahimik habang nakikinig sa pagkukumustahan nila. Kanina lang kami dumating at halos gusto na nilang dumugin si Ximena kanina para lang makumusta nila ang aking asawa. Ngunit nagtimpi sila dahil ako ay nasa tabi ng aking asawa. Anak ng— Pinigilan ko ang sarili ko na magmura dahil para akong multo na narito sa harapan nila kung mag-usap sila. Hinayaan ko sila sa ginagawa n