Episode 3: Giyera Sa Isabela

1032 Words
NATAPOS silang kumain at bago sila umalis ay kinausap muna ni Kumander Allhean si Switlyne at kasama ang kapatid niya. "Swit, dito ka muna mag-stay sa bahay para may kasama sila at huwag mong pabayaan si Albert." "Kumander, makakaasa ka. Mag-ingat po kayo sa biyahe." "Salamat!" Sinabi rin niya sa mga magulang ang pansamantalang pag-stay ni Switlyne sa bahay nila. Ang tugon naman ni Doktora Sheann ay kahit doon na titira ang dalaga ay walang problema. Sapagkat alam nilang pareho na mahal na mahal ito ni Albert. Hanggang sa tuluyan na silang umalis sa bahay at si Captain Jase Samonte ang naghatid sa kanila sa airport. "Salamat, Jase," nakangiting pahayag ni Kumander Allhean. "No problem. Enjoy kayo sa bakasyon," tugon nito sa dalawa. Hindi na hinintay ni Jase na makapasok ang mag-asawa sa loob ng airport at umalis na ito. Masaya ang dalawa na pumasok sa loob at magkahawak kami pa ito. Hanggang nasa loob na sila ng eroplano. SAMANTALA sal loob ang academy ay abala ang Pardus Force sa pagsasanay, naroon din si Albert at Switlyne. Napahinto ang lahat nang biglang tumunog ang emergency alarm. Mabilis silang tumakbo patungo sa tactical gear room upang kunin ang kanilang mga kagamitan pandigma. Wala pang beinte minutos ay nasa gitna na sila ng field. At maya-maya pa ay dumating si General. Sirocco. Sinabi nito na mayroong namataan na mga NPA sa Isabela. At ayon sa impormante ay malaki ang grupo nito at mahirap pasukin ang kanilang pinagkutaan. Ang lakad nila ay pinangunahan ni MG. Samonte at Captain Samonte. "Get ready! After five minutes ay aalis na tayo. "Yes, sir!" "Albert, sigurado ka ba na sasama ka sa misyong ito?" tanong ni Switlyne. "Yes, nandyan ka naman, eh." "Basta huwag kang umalis sa tabi." Siyempre!" Nakangiti ito at sabay kindat sa kaniya. "Let's move!" utos ni Captain Samonte at agad silang sumakay sa helicopter. Na ang tanging sakay ay ang grupo lang ng Pardus Force. At si MG. Samonte. Ang misyon nilang iyon ay hindi nila ipinarating kay Kumander Allhean at Jacob. Para hindi masira ang kanilang bakasyon. Hindi nakasama si General. Sirocco sa misyong iyon dahil may importante siyang meeting kasama ang Presidente at Vice-Presidente, para sa nalalapit na 'SPORTS INTERNATIONAL' na gaganapin sa Pilipinas. Na gaganapit sa mga susunod na mga buwan. Sa kanilang pag-uusap ay nag-suggest ang Pangulo na palawakin ang tulad ng mga Pardus Force. Upang mas mapaigting ang malakas na puwersa ng mga kasundaluhan. "Don't worry, Mr. President, malapit na ang opening para sa 'Forth Batch Scholarship'," tugon ni CGPA. Sirocco. "That's good! Asahan mong suportahan ko ang MSMA. At ibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng mga estudyante," pahayag ng pangulo. "Thank you so much, Mr. President. "Isa na rin ako na susuportahan sa MSMA," sabat naman ng Vice-president. "I heard that MSMA is leading this year," dagdag pa nito. "Oh, really?" Masaya ang reaksyon ng Pangulo. "It's true, Mr. President." "That's good, General. Oh, by the way. Kumusta pala ang mag-asawa?" "Nasa bakasyon, Mr. President. While nagpapagaling si Jacob." "That's good! Para makapagpahinga naman ang bagong kasal." "General, my daughter mentioned something. She said, she wanted to apply as a military doctor, can you help her?" pahayag ng vice-president "Who? Is Doctor Villa?" "Exactly!" "Yes, I can help her. I'm sure matutuwa ang asawa ko kapag malaman niya ito." "Thank you, General.' "No problem, Vice-president." Hanggang sa natapos ang kanilang meeting at bumalik na siya kampo. SAMANTALA nakarating na ang mga kasundaluhan sa Isabela. Nag-landing ang helicopter sa malawak na lupain na malapit sa pinagkutaan ng mga rebelde. Agad silang naghanda para sa pagsalakay. Si Klent at Marco ang namuno sa grupo ng Pardus Force. At si Captain Jase Samonte naman ay ang namuno sa ibang grupo. Hanggang sa nagsenyas na si MG. Samonte sa kanilang pag-atake. Nauna ang Pardus Force. Habang nakasunod naman ang mga kasundaluhan. Maingat si Marco at Klent sa bawat nilang mga hakbang dahil nakadalalay sa kanila ang kaligtasan ng kanilang mga kasamahan. Biglang nagsensyas si Klent ng 'stop', sapagkat napansin niya ang isang maliit na thread. Nagsenyas siya na sa kabilang bahagi sila dumaan. Hanggang sa naghiwa-hiwalay ang mga kasundaluhan at naging apat na hanay na sila. Gamit ang 60x50 military army zoom powerful telescope ay nakita nila ang kampo ng mga rebelde. Maingat na pumuwesto ang Pardus Force at nakahanda na ang kanilang mga Barrett 50 Cal Sniper Rifle With Silencer. "Pardus Force, get ready!" boses ni MG. Samonte. "Nakahanda na kami, General!" tugon ni Klent at Marco. Unang target nila ay ang mga nasa itaas ng tree house at ang mga nasa entrance nila. Halos sabay-sabay silang nagpaputok at ang bawat target nila ay nataan. "Move! Move!" utos ni Captain Jase Samonte. "Mag-ingat kayo! Make sure na walang makatakas! Move!" pahayag ni MG. Samonte sa kaniyang hanay. Hanggang sa nagsimula ang giyera sa pagitan ng mga rebelde at mga kasundaluhan. "Yes!" bulalas ni Albert III., dahil natamaan niya ang isang rebelde. At ito ang kauna-unahang niyang sabak sa giyera bilang bagong miyembro ng Pardus Force. "Good shoot, Alsi!" nakangising sabi ni Marco. Tumingin naman si Albert III sa nobya niya at kaniya itong kinindatan. Ngumiti si Switlyne at nag-thumbs up ito sa kaniya. Patuloy na umalingawngaw ang klase-klaseng putok ng mga; armas, granada at bomba. May mga natamaan sa hanay ng kasundaluhan, ang iba ay hindi pinalad na mabuhay. Kakaiba ang nakasagupa nila ngayon dahil matinik ang kanilang mga galawan na halatang dumaan ito sa pagsasanay. May mga sniper rin ang ito kaya may mga sundalong hindi pinalad. "Klent, Marco! Hanapin ninyo ang mga sniper!" utos ni Captain Jase Samonte. "Copy!" tugon ni Klent. "Copy!" sabat naman ni Marco. Agad kumilos ang Pardus Force, at naghiwa-hiwalay sila. "Mhasol, Jennith, Leon, Gianna. Doon kayo sa kabila at mag-iingat kayo." "Copy. Kayo rin. Switlyne, Mariss, protektahan n'yo si Alsi," bilin ni Marco rito. "Okay!" Maingat na nagtungo ang grupo ni Marco sa kabilang dako. At sila Klent naman ay umikot sa kabila. Sa giyerang iyon ay nahihirapan si MG. Samonte, at nalungkot ito dahil marami na ang mga sugatan. At mahigit sampu na ang namatay. Patuloy pa rin ang sagupaan at umabot na ito ng isang oras. "General..." sigaw ni Captain Jase Samonte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD