BIGLANG napapatitig si Captain Jase kay Albert III, at pinagsabihan niya ito. "Hindi mo ba iniisip na marami ang mapapahamak kung may masamang mangyari sa iyo?" pahayag nito. "I'm sorry, Captain Jase. Hindi na mauulit," aniya, at pakumbaba ang boses nito. "Dapat lang, dahil ako at si Switlyne ang makakatikim kay Kumander Allhe. Let's go!" Seryosong tumalikod si Captain Jase. Samantalang Patuloy ang pakikipagpalitan ng putok ni Kumander Allhe at Col. Jacob sa grupo ni Founder Anniefa. Hanggang sa nakakuha ng pagkakataon si Kumander Allhe. At sa huling kalabit niya ay natamaan ang braso ni Founder Anniefa at bumagsak ito. Subalit mabilis dumipinsa ang mga tauhan nito, at dali-dali siyang inalalayan upang makatayo. "Founder, dito tayo!" utos ni Ka Mustafa na biglang sumulpot. "Si Ka