Isang branded scarf na mamahalin ang binigay ni Missi sa kanya. "Alam kong magagamit mo ito kapag nasa mission tayo, para hindi ka lamigin. Umuwi kasi ang ate ko na galing sa London, kaya nagpapabili ako," pahayag niya rito. "Salamat, Missi. May pasalubong rin ako para sa 'yo." At kinuha ni Reid ang pasalubong niya para sa kaibigan. "Ito, sana magustuhan mo." Sabay abot niya sa isang maliit na kahon. "Ano ito?" tanong niya at excited na binubuksan ang maliit na kahon. "Wow! I like it!" masayang sabi nito. Isang branded sports watch ang binigay ni Reid sa kanya. "Salamat dahil nagustuhan mo." "Hmmm… siguro mayaman kayo, Reid. Kasi, alam ko na mamahalin ito." "Ipon ko ang binili ko niyan," simpleng sagot nito. "Hoy! Ang sweet ninyong dalawa para kayong mag-jowa!" biglang salita ni