DUMATING na rin si BG. Allhean Samonte at Col. Jacob Samonte, at maya-maya pa'y dumating rin si Capt. Jase Samonte. Sinabi agad ni BG. Allhean Samonte na merong tawag mula sa Bulacan na may grupo ng mga rebeldeng nanggulo sa barangay Camachin. Ayon sa report ay mahigit animnapung rebelde ang kasalukuyang namataan sa naturang barangay. Pero sabi ng impormante nila ay mukhang mas marami pa ito at hindi pa matukoy kung saan ang kuta nito. Nang matapos sabihin ni BG. Allhean Samonte ay agad ng kumilos ang pardus force at sumakay sila sa 4x4 UNIMOG range, doon rin sumakay ang tatlo. Sumama si Doktora Sheann Sirocco at si Doktora Villa Font, at ang iba pang mga military medics.
Hindi na sumama si CGPA. Sirocco at MG. Samonte, dahil tiwalang-tiwala na sila kakayahan ni BG. Allhean Samonte, at ang magkapatid. Dahil may importante ring meeting si CGPA. Sirocco, kasama ang mga matataas na opisyales sa iba't ibang lugar. Hanggang sa nakaalis na ang mga trak ng mga militar. Limang sasakyan ang sunod-sunod na lumabas mula sa kampo. Medyo may kahabaan ang kanilang biyahe kaya pansamantalang ni-relax ng mga pardus force ang sarili nila para paghandaan ang maaabutan nila sa Camachin Bulacan. After two hours ay nakarating sila sa baryo at agad kumilos ang mga militar. Bumaba sila at hinihintay ang order ng nakakataas sa kanila.
Nagbigay ng instruction si Brigadier General Allhean Samonte, at hinati niya ng tatlong grupo ang hanay nila ang isa ay pinamumunuan ni Captain Jase Samonte. Ang isang grupo naman ay pinamumunuan ni Col. Jacob Samonte. Habang ang pardus force ay si Brigadier General Allhean Samonte naman ay namumuno. Binilin naman ni BG. Allhean Samonte sa ina niya ay kay Doktora Villa Font na doon lang sila maghintay at hindi pupunta sa area kung saan sila papasok.
"Mag-ingat kayo," bilin niya sa anak.
Tumango naman ang anak bilang pagsang-ayon nito. Hanggang sa lumakad na sila at nang makita sila ng mga tao ay medyo nagkagulo dahil natatakot ang mga sibilyan. Ang pagdating nila sa naturang baryo ay biglaan kaya hindi ito napansin ng mga rebelde. At sa araw na iyon ay kumpyansa ang mga ito na bumaba sa baryo upang kunin ang gusto nilang kunin sa mga sibilyan na naninirahan sa baryo.
"Ano ang meron?" tanong ng rebelde sa kapwa kasama niya, Siya ang nagsisilbing pinuno sa lakad nila.
"Hindi ko alam, Ka Ben."
Agad hinablot ni Ka Ben ang isang babae na tumatakbo patungo sa direksyon nila, sapagkat gusto niya itong tanungin.
"Ano ang meron?" kalmado niyang tanong rito.
"May mga militar!" tugon nito. At hindi niya alam na rebelde pala ang kausap niya.
"Ano?!" Gulat ang naging reaksyon ng rebelde at hindi nila inaasahan iyon. "Halika dito!" Bigla nitong pinigilan ang babae, at sabay inilabas nila ang kanilang mga mahahabang armas.
"Mga rebelde…" biglang sigaw ng babae, at umagaw ito ng atensyon sa ibang mga sibilyan.
"Tumahimik ka!" Sabay binaril ni Ka Omar.
"Bakit mo binaril?!" sigaw ni Ka Ben.
"Maingay, eh!" tugon nito.
"Gago! Gawin nating bihag iyon!"
"Marami pa d'yan! Kung gusto mo itong lahat gagawin natin na bihag!" katwiran pa nito.
"Ka Saad, mauna ka sa ating kuta, at ipaalam mo sa ating pinuno na may mga militar na nakapasok!"
"Sige, Ka Ben—"
"Kung ako na lang!" sabat ni Ka Omar.
"Bakit? Bumahag na ba ang buntot mo?" kalmado na tong ni Ka Ben. "Sige na, Ka Saad," utos nito, at kumaripas naman ng takbo si Ka Saad.
Ang isang putok ay narinig ng mga militar at kaya agad silang kumilos.
"Move!" utos ni Col. Jacob Samonte.
Ganoon rin ang ginagawa ni Captain Jase Samonte. Habang si Kumander Allhe naman ay sumenyas sa mga pardus force na kabilang bahagi sila. Magkatabi si Switlyne at Albert III., sapagkat ito ang bilin ni Kumander Allhe.
Bawat sibilyan na kanilang madaanan ay inutusan ng mga militar na lumikas muna para sa kanilang seguridad.
Ang akala naman ng mga rebelde ay basta-basta ang mga militar na kanilang haharapin kaya kumpyansa silang lumaban. Hindi sila umatras bagkus sinalubong pa nila ito. Nagkataon naman na ang grupo ng pardus force ang kanilang nakasalubong at sila pa mismo ang unang nagpapaputok.
"Maghiwalay tayo! Medyo marami ang mga sundalo! Ka Omar dito ka at kami naman doon sa kabila!" suhestyon ni ka Ben.
Napangiti naman si Ka Omar, sapagkat ito ang pangarap niya na maging pinuno sa hukbo nila. At ito ang pagkakataon niya para magpakitang gilas na kaya niyang maging pinuno. Agad ng umalis ang grupo ni Ka Ben at naiwan naman si Ka Omar at ang mga kasama niya.
Gumanti sa pagpapaputok ang pardus force at marami agad sa tauhan ni Ka Omar ang natamaan. Lumaki ang mga mata niya nang makitang humandusay ang lima sa lupa. Bigla siyang kinabahan dahil nabawasan na sila.
Agad naman na pumuwesto ang mga sniper ng pardus force, isa na doon si Albert III. Tulad noong nakaraang misyon ay hindi magkahiwalay ang dalawa. Dahan-dahan na umabante sina Kumander Allhe, at sumenyas si sa mga kasama na ang lima ay sa kabila at ang iba ay sumunod sa kanya.
Muling nagpaputok ang mga pardus force at hindi nila hinayaan na makalabas ang mga rebeldeng nagkuble at tatlo na naman ang bumagsak.
Gumanti sila Ka Omar, Subalit sinalubong ang kanilang mga bala kaya bumalik na naman sila sa pagkuble.
"Ka Omar, mauubos tayo dito! Kailangan na nating umatras!" suhestyon ni Ka Aqib.
"Hindi! Lalaban tayo!" Muli siyang lumabas at nagpapaputok. Ngunit agad rin siyang nagkuble dahil masyado agresibo ang mga militar at sinalubong na naman ang kaniyang mga bala.
Hanggang sa naka puwesto ang mga sniper sa ibabaw ng mga bubong kaya mas lalong lumiit ang mundo nila Ka Omar.
Nagulat sila dahil paunti-unting natutumba ang mga kasamahan nila at may mga tama ang kanilang mga noo. Lahat sila ay kinabahan at kanya-kanyang itinago ang mga katawan nila.
"Animal ka, Ka Ben! Pinaing mo kami!" bulong niya sa sarili.
"Ka Omar, ano na ang gagawin natin? Mauubos tayo dito!" muling tanong ni Ka Aqib.
"Kung gusto mong tumakas, tumakas ka!" sagot niya rito, pero ramdam na ni Ka Omar na walang makakatakas sa kanila dahil may mga sniper ng naka puwesto.
Kumpyansa na tumayo si Ka Aqib at kumaripas ng takbo dahil gusto nitong iligtas ang sarili.
"Ka Aqib…" sigaw ng isang kasamahan niya nang makitang natamaan sa ulo si Aqib.
At napalingon naman ang lahat at nasaksihan nila ang dahan-dahang pagbagsak ni Ka Aqib sa lupa. Tila napuno sa galit ang mga rebelde at desperado na makaganti kaya sabay-sabay silang tumayo para lumaban ng sabayan. Ngunit naka ambang na pala ang mga militar at naunahan sila sa pagpapaputok. Kaya sunod-sunod silang bumagsak.
Nanginginig sa sobrang takot si Ka Omar dahil siya na lang ang natira, at ayaw pa niyang mamatay. Kaya ang ginawa niya ay sumuko siya. Itinaas niya ang kanyang mga kamay palatandaan sa pagsuko niya.
"Mabuti at sumuko ka!" sabi ni Kumander Allhe.
Agad siyang dinampot nina Klent at Marco. At inutusan agad ni Kumander Allhe na i-search ang area dahil baka meron pang buhay.
Samantalang patuloy naman na nakikipag barilan sina Ka Ben sa grupo sa hayan ni Col. Jacob Samonte. At ganoon rin si Capt. Jase Samonte. Ngunit dahil marami ang mga militar ay naubos sila na wala man lang silang napatay ni isang sundalo. Kahit si Ka Ben ay nasawi rin. Tanging ang natira na buhay ay si Ka Omar na lang.