NAKABALIK si Regs sa table nila at tulala pa rin ito. Halos hindi siya makatingin sa mga kasama niya dahil nahihiya pa rin siya. At ayaw nitong makita ng mga kasama niya ang kulay-rosas nitong mukha. Hoist! Okay ka lang?' bulong na tanong ni Bouching sa kaniya. "O-oo!" kandautal niyang tugon. "Sigurado ka?" pangungulit nito sa kaniya. "Oo. Okay lang ako." At lumingon siya sa kaibigan upang ipakita na okay nga siya. "Gurl, 'yong face mo, red na red!" may kalakasan na sabi ni Jhauztine. Bigla naman na tinakpan ni Regs ang mukha niya at sinabayan nito ng pagyuko. "Bouch, talaga bang namumula ang aking mukha?" pabulong niyang tanong. "Hindi naman, pero kulay pinkish siya." Hindi nagsisinungaling si Bouching. "Ganoon ba?" aniya. "Don't worry, girl, okay lang iyan!" nakangiti n