DUMATING ang araw ng kanilang kasal at lahat ay masaya habang nasa loob ng sila ng simbahan. Si Jacob ang tumayong pamilya ni Lieutenant Klent, at si Kumander Allhean naman ang nagsisilbing pamilya ni Senior Master Sergeant Marissa. Kasalukuyang nasa harap na ng altar sina Jacob at Klent, habang hinihintay naman nila ang paglapit ng bride. Isang romantic song ang kinanta ng choir at nadala naman si Marissa sa kantang iyon hindi maiwan na mapaluha siya at maging emotional. Dahil pangarap niya noon na kapag ikakasal siya sa lalaking mahal niya ay sa simbahan at ang maghahatid sa kanya ay ang mga magulang niya. Hindi niya namalayan ay nasa harapan na pala siya ng kanyang magiging asawa. Malayang ibinigay ni Kumander Allhe ang kamay ng best friend niya sa lalaking magiging kabiyak niya. "K